Search This Blog

Monday, August 23, 2021

Talo si idol

 Nung una, nasambit ko sana matalo ka!dahil ramdam kong nagbago ka na,hindi na ikaw ang dati kong kilala. Mapag mahal sa bayan, at may puso para sa masa.


Alam kong tampo lang ang aking nadarama dahil kaming mahihirap tila, pinag palit sa mayayamang tao maralita ay limit na.


Ayaw ko sana na mapanuod ka. Subalit laban mo, sa feed ko bumandera.sa fb at media pakalat kalat na.


Natukso din ako laban mo ay i click isang pindot lang bat ba ipagkakait.katibayan lang sa puso ko ikaw ay malapit.


Sa una palang kita ko na agad.diskarte at galaw mo tila mabibigat.liksi ng kilos malaki ang binawas parang kumpiasa ka na tila ba tamad.


Talo "si idol" sa isip ko tumatak. At nag games nlng ako sa paboritong site.


Ilang oras din akong naglalaro.maya maya lang ito na na sa feed ko talo nga " si idol" sigaw sa balita tanong sa sarili nag isip devil ba ako.??


Ramdam ko ang lungkot sa aking sarili.gusto kong maluha ng kahit sandali. ang idol ko d  tulad ng dati.nagkamali ka man, ito pa rin kami.nagmamahal sau lahat ng sandali.dangal ka ng bayan at pinagbubunyi.


Kung  makakarating sa idol ko ito. payo ko lang,tuluyan mag ritero.upang karangalan ay manatili sau 8 weight division ikaw lang ito. wala kang katulad  at wala kang talo!

Unlimited diving and swimming